Prayer and Appeal sa Shrine sa Pusod ng Lungsod

Pagkagaling sa di-matagumpay na pagke-crave sa pagkaing Pinoy, lumibot na lang ako sa Umeda para maiba naman ang pagkukulong sa lungga sa probinsiya ng Mino. Libot kete libot sa siyudad. Hindi ko maintindihan ang mga announcement. Masasarap na pagkain. Hindi ko makalakasang ng loob na kumain nang mag-isa at nauutal ako kapag tinanong na ng weyter sa Nihongo. Nawawala ang gana ko at mas gugustuhin na lang na pumunta sa isang vendo ordering izhikaya na maghuhulog lang ng coins at iaabot na ang mainit na udon noodles. Pero mamaya na iyon. Sa dulo ng parang walang katapusang stalls ng pagkain at produkto, biglang lumitaw ang isang Shinto shrine. Parang altar lang ito sa atin para sa on the spot na misang Katoliko. Namimiss ko kahit paano ang ritwal kahit hindi naman ako masugid umatend. Inobserbahan ko na lang ang mga tao sa shrine kung paano ba sila humiling ng gusto. Siyempre pasimple lang ang pang-uurirat ko. Una muna dapat ang mukha ay earnest. Seryoso. Tapos maghuhulog ng barya sa isang kahon sa harap ng  altar. Yuyukod ka sa direksiyon nang altar. Solemn ha. Tapos malamang ibinubulong mo na ang hiling mo. Tapos babaltakin mo ang dulo ng isang lubid na sa itaas ay may nakakabit na kampanilya. Tutunog siyempre. Alangan binaltak eh. Parang ina-aanounce mo sa ancestors na naroon sa itaas na heto ka at may hinihiling ka, “Puwede po ba ito please sagutin na sana ako ng pinagnanasaan ko. Kung hindi naman po ay yumaman na lang ako”. Tapos papalakpak ka nang minsan hanggang tatlong ulit. Tapos yuyukod ka muli sa direksiyon ng altar. Tatagal lang ito nang mga tatlong minuto. Sari-saring tao ang humihiling dito.🙂P1170166 P1170167 P1170168 P1170169 P1170170

Prayer and Appeal sa Shrine sa Pusod ng Lungsod

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s