Onyx

Paghanap sa Onyx

(kay Nick Pichay)

Kaibigan, tulad ng paghanap sa banal na kalis

ang umasang matagpuan sa lugar na ito ang onyx.

Ang espasyong ito’y laging hinihiwa ng riles, ng tren.

Sa muling pagbulaga ng arkitektura ng langib

na karton, plastik, yero, lata, goma at playwud,

puso nati’y natinag sa nag-ilaw na mga kuwadro

ng pagkakait ng lipunan; kaya sa ating kalooban,

may sumuot na kirot na mas mahapdi pa sa ating

sari-sariling munting burges na trahedya ng pag-iral.

Ewan, baka sulasok lang na susundot sa ating ilong

ang singaw ng kalyeng kinukubkob na ng gabi.

Baka ang pag-alintana’y takas-init lang ng aspaltong

umiihaw sa mga paslit na hubong naglalaro,

siguro’y naghihintay sa kapatid, ama o inang

natutuyot sa mga pabrika o mall ng Maynila.

Magpapatuloy tayo sa biyaheng karag-karag

ng dyipni sa kalyeng tinitigmak ng neon.

Sa tanglaw ng nakamulagat na poste,

hayun ang pulubing may isang tungkod na mata,

nagtatanghal yata ng pagsuko o pagtakas

mula sa patalim na iniaamba ng lungsod.

Kinalyo na ba tayo sa pagsubok ng ermitanyo?

Huwag, kaibigan, huwag tayong maging manhid

sa tulad niyang ayaw nang tumingala sa buwan

at magpalipad ng diwang makahuhugis sa banal.

Pag nagkagayon, itinakwil na rin ang onyx na mahal.

4 Hulyo 1992

Onyx

12 thoughts on “Onyx

    1. Tungkol ito sa karanasan ng nagsasalita sa tula. naglakad kasi siya sa may makati malapit sa kalye na onyx ang pangalan. hiyas iyon pero mga squatter ang nakatira doon. kaya naisip niya na hindi siya dapat malungkot kasi may mga taong gaano man kahirap ay hindi nawawalan ng pag-asa. simbolo iyong pulubi ng pagsadsad ng tao sa kahirapan at hindi dapat ipagkait ang compassion o mawala ang pakiramdam na ito kasi parang nawala na rin ang pagkataong mabuti kapag nangyari iyon. ang hinahanap na hiyas o onyx ay nasa puso ng bawat isa.

    1. isang ideal ito ng pagpapakabuti ng tao at matatagpuan di nag iisa kundi kasama jg kapwa o kaibigan. pansinin, na alay ajg tula sa kaibigan at siyang kausap sa tula. onyx semi precious stone at gqmit sa pqgtatayo ng palasyo

    1. palagay ko kayang kaya mo naman sagutin ito dahil alam mo ang terminong alusyon. pero sasagutin ko pa rin. ang alusyon nito ay ang The Search for the Holy Grail. kaya may linya ng kalis o espada na gamit ng mga knight sa medieval romamnces. matutuwa ako kung may sarili kang interpretasyon dito sa tula.

  1. Cassie says:

    Hi! I noticed that this poem was dedicated to Nick Pichay. I’d just like to ask, how did he become your inspiration for this poem? I’m quite curious because i found this poem to be quite interesting.🙂

    1. We are friends, Nick Pichay and I. We attended a birthday party of a common friend in Makati a long time ago. On our way home, we passed through Onyx street and noticed that the name was beautiful. Being writers both, we promised to write a work dedicated to one another. He had his piece published in his book Lunes na Mahirap Bunuin and made a train talk about that street which by the way harbors informal settlers. We read these poems one time at Freedom Bar in Anonas a long time ago.

      1. Cassie says:

        Wow! that’s quite wonderful🙂 i do hope you continue writing more poems like this. i really love how you described the surroundings with such vivid imagery🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s