Birhen sa Onsen

Kapag naliligo sa Filipinas, sining ang paliligo sa poso o kahit beach nang hindi naghuhubo at hubad. Lalo na sa mga babae. Nakakapagtaka kung paano nakakapaligo nang fully clothed ang mga Filipino. Kahit nga beach na dapat sige lang sa pagka-two piece, may towel at balabal na pantakip. Kahit lalaki naka-shorts sa pool. Ayaw ibilad ang katawan. Kapag wala kang kiyeme sa paglalantad ng singit, exhibitionist ang tingin sa iyo. May kaugnayan yata sa Kristiyanong konserbatismo. Templo ang katawan na ayaw namang ipakita. kaya isang malaking fetish sa Filipino ang paninilip. O pagnanakaw ng underwear kasi nga ay isang malaking pantasya ang makakita ng hubad na katawan ng kapuwa.

Nang mapunta ako sa Japan, ang unang tanong sa akin ay “Nakapag-public bath ka na ba?” Sabi ko, “Hindi pa.” Nakausap ko ang matagal na dito at natural nga lang daw ang maligo nang hubo at hubad. Sa madaling sabi, kita ang kaluluwa. Kahit magkakaopisina daw ay naliligo nang sama-sama at hubadero at hubadera ang drama nila. Magkakahiwalay naman ang lalaki at babae. Napaisip ako, kayahin ko kaya na maligo kasama ang bos ko nang nakalawit ang mga bola? Sabi ng tagapayo ko, “Kung nahihiya ka, maghiwalay kayo ng sulok.”

Nang may magyaya sa akin sa onsen, curious ang drama ko. Aha, may laglagan kaya ng sabon? “Wala,” sabi ng kasama ko. So ayun. napunta ako sa isang day time onsen. Naku po paano kaya ito? Ang guide ko parang relaxed naman. Nakakahiya namang magpaka-demure at ang tanda-tanda ko na. Kaya sige, go!

Malinis na malinis ang onsen. Parang maliit na public park pero walang fountain sa gitna. Naroon ang isang maliit na kuwadradong pool. Bundok ang setting. Open air. Ang ganda. Sinilip ko ang mga tao sa labas. Hubo at hubad nga. Paano ba ito. Maliligo muna bago lumusong. Mga fifteen minutes akong nagbanlaw. Ayaw kong lumabas. Ang daming tao. Nang umalis ang isang grupo ng bathers ay saka lamang ako mahiyaing nagpakita. Tatlo lang ang tao. So ayun, parang si Adan ang itsura na lumusong sa tubig. Hindi naman ako pinansin ng mga ibang naliligo. Ni hindi ako sinulyapan. Bakit naman ay kita ang mga ribs at patpatin kaya ako. Mukha ring Hapon kaya blend na blend.

Nawala ang self-consciousness ko. Dere-deretsong lusong–whole body. Ito ang walang nag-orient sa akin–sobrang init ng tubig! Nashock ang katawan ko. Pero hindi ako nakasigaw! Inabot ng hiya sa mga Hapon na naghuhuntahan dalawang metro ang layo. Kunyari yakang-yaka. Na-soft boiled ako bigla.

So ayun nakahilata sa 40 degrees na tubig at nagzezen-zen kunyari. Maya-maya may bagong dating. Ang style pala dahan-dahan ang lusong. Paa muna. tapos may parang tabo na ibubuhos sa katawan. O may towel na inilubog sa mainit na tubig sa tabo at ipupunas sa katawan. para ihanda ang katawan sa init.

Wala ngang naaasiwa sa kahubaran ng lahat. Sige ang pendulum ng mga sandatang tulog, at relaxed na bola at hindi ikinahihiya ang bilbil at nagwawalang bushes. Markado lang ako dahil wala na akong lambi. Ang mga kalubluban ko ay protektado natural. Ayun ganun lang naman pala.

Kaya umahon na ako pagkaraan ng labinlimang minuto na may bagong kamalayan sa pagpapakita ng kaluluwa at templong hindi dapat pinagkakaabalahan masyado sa onsen.

Birhen sa Onsen

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s