Halik

Halik

Marahang-marahang halik,
tila paroparo sa munting bulaklak

ang labi ng mangingibig sa talukap ng sinta.

Dumadaloy, kibot sa kibot, dili sa dili
daigdig na walang bahid ng ligalig.

matang-tubig ng pagmamahal.

Ngunit alam ng mangingibig:
itong talulot ng isip at damdamin

ay mapupunit, gagapangan ng uod.

Tutulay sa tangkay ng bulaklak
sa kabila ng nagwawaksing tinik:

mangangatngat ang ubod.

Ganyan ang pag-ibig:
pugad ng halimuyak ng tamis

at sulasok ng di-masisikmurang pait.

Halik

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s