Sa Basketbol Kort

Panoorin muna ang tagisan

Ng kabataan sa malawak na kort.

 

Maliksi ang mga dribol ng goma

Parang kinakabog na dibdib.

 

Bumibigat ang anino ng ulap

Sa balat ngayong dapithapon.

 

Nalimutan ng minamahal  ang usapang

Nakakintal nang kay tagal sa kalendaryo?

 

Tumatalbog sa bawat pintig ng minutong

Binabanat ng pagbilang ng puso.

 

Sumasakay ang isip sa bawat bugso

Ng nauubos na liwanag.

 

Saan naantala ang minamahal?

Sa anong dahilan?

 

Tumatahimik ang pinturang papawirin.

Parang atrasadong panaginip ang lahat.

 

Humugpong na ang pige sa batong upuan

Pero wala pa rin ang minamahal.

 

Nag-uwian na ang mga naglalaro

Dahil sa nagmamadaling tulak ng gabi.

 

 

 

 

Sa Basketbol Kort

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s